Home NATIONWIDE Drug war task force binigyan ng 2 buwang ultimatum

Drug war task force binigyan ng 2 buwang ultimatum

MANILA, Philippines – Mayroon lamang 60 araw ang binuong task force ng Department of Justice (DOJ) para tukuyin kung may sapat na basehan upang papanagutin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa naging kampanya nito kontra iligal na droga.

Sinabi ni Justice Undersecretary Raul Vasquez na binigyan lamang ng 60 araw ang task force para magsumite ng update, para tukuyin kung anong kaso ang maaring isampa at kung maari nang magsagawa ng preliminary investigation ang prosecution service ng Department of Justice.

Nakikipag-ugnayan na ang task force sa Quad Committee ng Kamara, sa Senado, Commission on Human Rights, Philippine National Police at iba pang law enforcement agency upang malaman ang lahat ng inpormasyon at masuri kung magagamit bilang ebidensya.

Partikular na tinitignan ng task force ang posobleng paglabag sa Internation Humanitarian Law sa ilalim ng Republic Act 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitaria Law, Genocide and crimes against Humanity.

Aniya, kung may makita na sapat na ebidensya ay saka magsasampa ng pormal na reklamo ang task force sa DOJ upang masimulan ang preliminary investigation.

Batay sa Department Order No. 778 ang task force ay inatasan na mag-imbistiga, magsagawa ng case build-up at kung kinakailangan ay magsampa ng kaso laban sa mga salarin at sangkot sa extra judicial killings ng ipinatutupad ang anti-illegal drug campaign ng Duterte administration. Teresa Tavares