MANILA, Philippines – Ang DSWD ay patuloy na nagbibigay ng napapanahong tulong sa mga residenteng apektado ng malalakas na ulan sa Central Luzon, at Mindanao dahil sa “Habagat”
Dahil ang Southwest Monsoon o “Habagat” ay nagdulot ng malakas na pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay patuloy na nagbibigay ng napapanahong tulong sa mga komunidad na lubhang apektado nito, sinabi ng isang opisyal ng ahensya nitong Miyerkules (Hunyo 11).
Sinabi ni Assistant Secretary Irene Dumlao ng DSWD Disaster Response Management Group (DRMG) na pinalawig ng ahensya ang mahigit P2.12 milyong halaga ng family food packs (FFPs) at non-food items (NFIs) tulad ng family kits, blanket, at banig sa mga pamilya at indibidwal na nasalanta ng Habagat.
Kaugnay nito, noong Hunyo 7, ilang barangay sa Zamboanga City ang nakaranas ng pagbaha dahil sa pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon at low pressure area (LPA).
Bilang tugon, ang DSWD Field Office 9 – Zamboanga Peninsula ay mabilis na namahagi ng 1,000 kahon ng FFP sa mga apektadong lugar sa parehong araw.
“Gaya nga po ng laging sinasabi ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., in any disaster or emergency, nagtutulungan po lagi ang pamahalaang nasyonal at lokal para maiparamdam natin agad-agad sa mga kababayan natin na hindi sila nag-iisa,” paliwanag ni Asst. Secretary Dumlao.
Kaugnay nito, nabatid sa DSWD na nasa kabuuang 4,884 pamilya o 16,891 indibidwal mula sa 43 barangay sa Regions 3 (Central Luzon), 9 (Zamboanga Peninsula), 11 (Davao Region), at 12 (SOCCSKSARGEN) ang apektado ng sama ng panahon. Santi Celario