Home NATIONWIDE Pinas uulanin sa Araw ng Kalayaan sa LPA, Habagat

Pinas uulanin sa Araw ng Kalayaan sa LPA, Habagat

219
0

MANILA, Philippines – Inaasahang uulananin ang malaking bahagi ng Pilipinas ngayong Araw ng Kalayaan dahil sa Low Pressure Area (LPA) at habagat, ayon sa PAGASA.

Alas-3 ng madaling araw, namataan ang LPA sa layong 235 km silangan ng Calayan, Cagayan.

Magdadala ito ng pag-ulan sa Batanes at Cagayan, habang maaapektuhan naman ng habagat ang natitirang bahagi ng Luzon, Visayas, at kanlurang Mindanao.

Maaaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa ang malalakas na pag-ulan sa Pangasinan, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro. Inaasahan din ang paminsan-minsang pag-ulan sa Metro Manila, La Union, Benguet, at iba pang lalawigan.

Samantala, nananatiling nasa labas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Wutip. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here