Home NATIONWIDE DSWD, naghahanap ng food packer volunters para sa Mayon bakwits

DSWD, naghahanap ng food packer volunters para sa Mayon bakwits

192
0
(c) Adrian Salceda Facebook Page

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na magboluntaryo sa pagre-repack ng family food packs (FFPs) sa Luzon Disaster Resource Center sa Pasay City upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain para sa mga pamilyang apektado ng tumitinding aktibidad ng Bulkang Mayon.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, mahalaga ang papel ng mga boluntaryo sa disaster response dahil bawat food pack na nabubuo ay agarang tulong sa isang pamilyang nangangailangan.

Bahagi ito ng maagap na paghahanda ng ahensya kasunod ng pagtaas ng alert level ng Mayon sa Alert Level 3.

Patuloy ang pamamahagi ng DSWD ng FFPs, ready-to-eat food boxes, at non-food items sa mga evacuee sa Albay, partikular sa Tabaco City at Malilipot.

Tutulong ang mga boluntaryo sa paghahanda ng food packs at dadaan muna sa orientation upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Maaaring magboluntaryo mula Lunes hanggang Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, sa LDRC sa Pasay City. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here