Home HOME BANNER STORY DTI: Wala pang taas-presyo sa mga pangunahing bilihin

DTI: Wala pang taas-presyo sa mga pangunahing bilihin

1
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na wala pang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa kabila ng inaasahang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, wala pang manufacturer na naghain ng kahilingan para sa price increase.

Sinabi rin niya na wala pang dapat ipangamba sa ngayon at mas mabuting hintayin muna ang magiging epekto ng sitwasyon bago magbigay ng anumang haka-haka tungkol sa presyo ng mga bilihin. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here