MANILA, Philippines – Nagtipon-tipon ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Rizal Park, Davao City ngayong Marso 11 para sa isang candle-lighting at panalangin matapos ang kanyang pag-aresto.
Dumalo ang ilang empleyado ng pamahalaang lungsod at mga lokal na opisyal, na nagpahayag ng pag-aalala sa kaligtasan ng 80-anyos na dating pangulo.
Nanawagan si Bise Alkalde Jesus Melchor Quitain Jr. na manatiling kalmado at magtiwala sa sistema ng hustisya, habang nilinaw ni Konsehal Diosdao Mahipus Jr. na hindi ito protesta kundi pagpapakita ng kalungkutan ng publiko.
Samantala, binatikos ni Mayor Sebastian Duterte ang kasalukuyang administrasyon, na sinabing ang pag-aresto ay isang tangkang paglihis sa isyu ng pambansang badyet. RNT