Home OPINION EARTH DAY 2024: PLANET VERSUS PLASTICS

EARTH DAY 2024: PLANET VERSUS PLASTICS

Nitong nagdaang April 22, ay muli nating ginunita ang Earth Day na ngayong taon ay may temang “Planet versus Plastics”, sa pangunguna ng DENR o Department of Environment and Na­tural Resources.
Lubha na kasing nakababahala ang 350 million metric tons ng plastic wastes na ating naiipon bawat taon o katumbas ng 350 billion kilos ng basurang plastic.
Dito sa Pilipinas ay umaabot tayo sa two point seven million tons bawat taon o two point seven billion kilos na plastic wastes.
Ang higit na malala, nasa 8 million tons hanggang 10 million tons o 8 million kilos hanggang 100 million kilos ng mga plastic na basura ay napupunta sa mga karagatan at mga dagat na nagsisilbing marine pollution.
Batay sa datos ng World Population Review, ang sampung bansang nangunguna pagdating sa padamihan ng plastik na basura ay –
·       United States, 34 billion kilograms;
·       India 26.3 billion kilograms;
·       China, 21.6 billion kilograms;
·       Brazil, 10.6 billion kilograms;
·       Indonesia, 9.1 billion kilograms;
·       Russia, 8.4 billion kilograms;
·       Germany, 6.6 billion kilograms;
·       United Kingdom, 6.4 billion kilograms;
·       Mexico, 5.9 billion kilograms; at
·       Japan, 4.8 billion kilograms
Pero may mga pag-aaral na nagpapakita na ang Pilipinas ang siyang ikatlong bansa na may maraming plastic wastes na napupunta sa mga dagat at karagatan, nasa likod tayo ng Indonesia at ng China.
Nababahala naman ang United Nations sa pagdami ng micro­plastics na natatagpuan sa marine environment. Sa kani­lang pagtantiya, nasa 51 trillion microplastic particles na ito na limang daang beses na mas marami kaysa mga bituin sa galaxy na kinabibilangan ng planet Earth.
Ayon sa mga eksperto, 10,000 years ago, ang forest cover ng mundo ay nasa 57% o 10.06 billion hectares na ngayon ay nasa 4.06 billion hectares o 31% na lamang.
Kaya kataka-taka pa ba ang extreme weather condition na ating nararanasan katulad na lamang ngayong panahon ng tag-init ay ramdam na ramdam natin ang lubhang mainit na panahon.