Home NATIONWIDE Easterlies iiral sa malaking bahagi ng bansa

Easterlies iiral sa malaking bahagi ng bansa

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang easterlies na iiral sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw, Mayo 2.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil pa rin sa easterlies at localized thunderstorms.

Samantala, inaasahan ang heat index na aabot sa 43 degrees Celsius sa Pasay City at 42 degrees Celsius sa Quezon City ngayong araw.

Ang heat index na ito ay maikokonsiderang nasa “dangerous” level ng heat index at posibleng magdulot ng iba’t ibang heat-related illnesses. RNT/JGC