MANILA, Philippines – Iiral ang easterlies sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw, Marso 15.
Ayon sa PAGASA, ang Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan naman na may isolated rain showers o thunderstorms ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa. RNT/JGC