Home NATIONWIDE Easterlies makaaapekto sa silangang bahagi ng bansa

Easterlies makaaapekto sa silangang bahagi ng bansa

MANILA, Philippines – Makakaapekto ang easterlies sa silangang bahagi ng bansa ngayong Lunes, Marso 25.

Ayon sa PAGASA, ang Caraga ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa nasabing weather system.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa naman ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorm dahil sa easterlies at localized thunderstorm. RNT/JGC