Home ENTERTAINMENT Echo, hindi nakalapit kay Kristine, bantay-sarado ni Oyo!

Echo, hindi nakalapit kay Kristine, bantay-sarado ni Oyo!

Manila, Philippines- Naging matagumpay ang ginanap na pa-tribute sa star builder na si Johnny Manahan na dinaluhan ng A-list celebrities.

Siyempre, pabonggahan sa outfit ang attendees.

Pinaghandaan din ng mga naglalakihang artista ang nabanggit na party ng taon.

Malaki kasi ang impact ni Mr. M sa kanilang mga karera lalo na noong sila ay nagsisimula pa kaya never nila itong pahihindian.

Isa sa mga dumalo sa glitz and glamour event na tinawag na “Night of 100 Stars” ay ang magandang aktres na si Kristine Hermosa kasama ang kanyang esposong si Oyo Boy Sotto.

Dressed in her butterfly-sleeved embellished dress, hindi naman nagpakabog si Kristine sa mga nagsidalo sa naturang ganap.

Katunayan, sa kanyang Instagram, nagbigay pa ng pa-tribute si Kristine sa kanyang mentor na si Mr. M.

Caption niya: “We may not see each other as often as before… but please know how much you both mean to me. You’ve made a great impact in my life, and I thank God for paving the way for us. It was all part of His beautiful plan. You’ve been an instrument of God’s love to be experienced by all, kaya ang daming nagmamahal sa inyo. I LOVE YOU both so much, Ninong Mr. M & Tita Mariole!”

Pero what is this na narinig namin sa isang bubuwit, na hindi raw nagkaroon ng pagkakataon na makalapit si Jericho Rosales sa kanyang ex na si Kristine.

Hindi raw kasi makalapit ang actor sa kanyang dating nobya dahil guwardiyado raw ito ng kanyang mister na si Oyo Boy.

Kaya, pinili na lang daw ni Echo to be in the company of Kathryn Bernardo at iba pang mga kasama kung saan nagkaroon pa sila ng tsikahan.

Matatandaang sa isang panayam, sinabi noon ni Echo na isa sa fervent wishes niya ay gumawa uli sila ng proyekto ni Kristine.

Feeling daw kasi niya ay may unfinished business pa sila ng asawa ni Oyo Boy kaya naman napapanahon daw na magkaroon ng movie version ang kanilang phenomenal TV hit series na “Pangako sa Iyo.”

May kibitzers namang nagsabi na tila hindi solb si Oyo sa ideya ng muling pagsasama ng dalawa sa isang proyekto lalo pa’t merong nakaraan ang dalawa. Archie Liao

Previous articleJapan inuga ng M5.3 na lindol, walang tsunami warning
Next articlePaolo, nagsalita na sa isyung pagtatampo sa GMA!