Home NATIONWIDE Japan inuga ng M5.3 na lindol, walang tsunami warning

Japan inuga ng M5.3 na lindol, walang tsunami warning

JAPAN – Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Japan nitong Huwebes ng umaga, Marso 21.

Wala namang itinaas na tsunami warning kasunod nito.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, ang sentro ng lindol ay naitala sa timog ng Ibaraki, o silangan ng Tokyo at may lalim na 50 kilometro.

Agad na sinuspinde ang operasyon ng mga bullet train sa pagitan ng Tokyo at Koriyama, sa Fukushima Region dahil sa power outage.

Samantala, sinabi ni Hiroyuki Sanada, opisyal ng Nuclear Regulation Authority, na walang iniulat na abnormalidad sa Tokai Daini nuclear plant sa Ibaraki. RNT/JGC

Previous articleDOE: Makiisa sa Earth Hour 2024
Next articleEcho, hindi nakalapit kay Kristine, bantay-sarado ni Oyo!