Home ENTERTAINMENT Paolo, nagsalita na sa isyung pagtatampo sa GMA!

Paolo, nagsalita na sa isyung pagtatampo sa GMA!

Manila, Philippines- Sa ginanap na Best Time Ever mediacon ng walong shows ng GMA 7 kabilang dito ang Family Feud, Amazing Earth, Pepito Manaloto, I Bilib, YouLOL, Running Man, TBATS, at Bubble Gang, na isa sa mainstay si Paolo Contis, ay binigyan siya ng birthday cake. Sakto kasi na birthday niya nang araw na ‘yun

Nang hingan ng birthday wish si Paolo, ang sabi niya, “Wala po akong wish. Nais ko lang magpasalamat sa suporta ng GMA 7 sa akin. I want to thank GMA for always supporting me, for always supporting the show.”

And speaking of GMA 7, nilinaw ni Paolo na wala siyang tampo rito, gaya ng napapabalita. Na ang sinasabing dahilan ay ang ang pagkawala ng noontime show nila na Tahanang Pinakamasaya na napapanood dati sa nasabing istayon.

Paglilinaw ni Paolo, “May kumalat po na may tampo po ako sa GMA, hindi po ‘yon totoo.

“Pero pagbigyan na po natin ang mga nagkakalat nu’n, content na po nila ‘yon. Para po sa kanila ‘yon. But it’s not true. I love GMA. I’m very thankful to GMA and they’ve been supporting me, even the time na hindi ako kasuposuporta. So, there’s no reason para magtampo ko sa GMA,” aniya pa.

Pagkatapos ng paglilinaw ni Paulo na wala siyang tampo sa Kapuso network ay biglang hirit siya tungkol sa kanilang gag show na Bubble Gang.

“Siyempre, hindi magiging kumpleto ang Bubble Gang at itong Best Time Ever kung hindi ninyo po kami sasamahan.

“Kaya tulungan niyo po kami dahil gusto nating paabutin ng 50 years ang Bubble Gang. ‘Yung isa po kasi, hindi natin mapaabot ng 50 years, pero okay lang. Ang Bubble Gang, gusto nating paabutin.. Sorry hindi ko napigilan,” ang natatawa pang sabi pa ni Paolo dahil nga sa maagang pagkatsugi ng Tahanang Pinakamasaya. Kaya malabo na itong umabot pa ng 50 years sa ere. Rommel Placente

Previous articleEcho, hindi nakalapit kay Kristine, bantay-sarado ni Oyo!
Next articleDBM naglabas ng P1.295B sa school electrification