Home NATIONWIDE DBM naglabas ng P1.295B sa school electrification

DBM naglabas ng P1.295B sa school electrification

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng P1.295 billion Special Allotment Release Order (SARO) para sa Department of Education (DepEd) na sasakop sa funding requirements para sa electrification ng un-energized schools, at modernisasyon ng electrical systems sa on-grid schools sa buong bansa.

Sa pahayag nitong Huwebes, Marso 21, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na malayo na ang mararating ng badyet sa pagbibigay ng “conducive learning environment” sa mga estudyante sa buong bansa.

“Let us light up every classroom, sparking curiosity and igniting dreams. In the spirit of the Bagong Pilipinas, where discipline, prudence, continuous learning, patience, and integrity are paramount, let us collectively work toward a brighter future for our beloved Philippines under the visionary leadership of President Ferdinand R. Marcos Jr.,” ani Pangandaman.

“Investing in education means we are also investing on the needed facilities of our students. Malaking tulong po itong pondo para maging mas kumportable ang ating mga mag-aaral at guro sa kanilang classrooms.”

Sakop ng alokasyon ang ilang rehiyon sa bansa maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang pondo ay kukunin sa built-in appropriations ng DepEd sa Fiscal Year 2024 national budget.

Inaprubahan ni Pangandaman ang paglalabas ng SARO para rito noong Marso 1. RNT/JGC

Previous articlePaolo, nagsalita na sa isyung pagtatampo sa GMA!
Next article‘Hit the Mark’ campaign, inilunsad