BATAAN, Philippines — Pinagtibay ng Korte Suprema ang kapangyarihan ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) na mag-regulate at mangasiwa sa mga operasyon ng daungan/pantalan sa loob ng Freeport Area of Bataan (FAB) at mga expansion area nito.
Sa desisyong inilabas noong Pebrero 2026, kinilala ng Korte Suprema ang AFAB bilang tanging regulatory at administrative authority sa mga pasilidad at transaksiyong may kaugnayan sa daungan sa nasabing lugar.
Kasunod ng Writ of Execution na inilabas noong Hunyo 8, 2026, ipinatutupad na ng AFAB ang desisyon at nakikipag-ugnayan sa mga negosyo at pribadong port operator para sa kanilang paglipat sa regulatory framework ng ahensya.
Ayon sa datos, umabot sa 828 ang kabuuang vessel calls sa FAB noong 2025. Pagsapit ng Hulyo 2026, nakapagtala na ito ng 588 vessel calls, o 71% ng kabuuang bilang noong nakaraang taon. (ROEL TARAYAO)







