Home NATIONWIDE P295M commitment fees sa mga late na proyekto, pinuna ni Gatchalian

P295M commitment fees sa mga late na proyekto, pinuna ni Gatchalian

1
0

MANILA, Philippines – Pinuna ni Senate President Sherwin Gatchalian ang P295 milyon na commitment fees na binayaran ng gobyerno para sa mga foreign-assisted transport projects na matagal nang delayed o hindi pa nakakuha ng loan.

Sa Senate finance subcommittee hearing sa 2027 budget ng Department of Transportation (DOTr), sinabi ni Gatchalian na binayaran ang commitment fees kahit hindi pa nagagamit ang mga loan.

“Whether the project is on time or not, obligation na natin yan for them making the loan available to us. Itong P295 million, these are commitment fees that were incurred because nadelay yung projects. Ganito kalaki yung nilabas natin pero yung project hindi natin narerealize,” ani Gatchalian.

Pinakamalaki ang commitment fee ng South Commuter Railway Project na nasa P91 milyon, habang nasa P85 milyon naman ang Davao Public Transport Modernization Project. Parehong naapektuhan ang mga proyekto ng problema sa right-of-way (ROW).

Apat pang proyekto ang hindi nakagamit ng loan ngunit nakapagbayad ng kabuuang P139 milyon na commitment fees, kabilang ang EDSA Greenways, Cebu Bus Rapid Transit Project at Fast-Infra.

Ayon sa DOTr, isinantabi na ang EDSA Greenways Project. Samantala, mahigit isang dekada nang delayed ang Cebu Bus Rapid Transit Project dahil sa mga pagbabago sa plano at problema sa ROW.

Hinimok ni Gatchalian ang DOTr na repasuhin ang mga foreign-assisted projects at alisin ang mga proyektong hindi na kailangan upang maiwasan ang dagdag na bayarin at utang.

“A loan is a loan. Im not in favor na dahil concessional yung loan, utang tayo nang utang, lalo na wala namang pupuntahan yung utang,” ani Gatchalian. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here