Home NATIONWIDE Election command center pinagana ng DepEd

Election command center pinagana ng DepEd

MANILA, Philippines – PINAGANA ng Department of Education (DepEd) ang Election Command Center sa TechZone sa Makati City para suportahan ang mga teaching at non-teaching staff na nagse-serbisyo sa national at local elections, araw ng Lunes, Mayo 12.

Inilunsad ng center ang full operations nito simula ala- 1 ng hapon, araw ng Linggo at matatapos naman ng alas-5 ng hapon, araw ng Martes.

Sinabi pa ng departamento na ang nasabing center ay magbibigay ng real-time assistance at mabilis na pagtugon sa mga usapin na kinahaharap ng DepEd personnel na nagsisilbi bilang poll workers.

“The Department stands firm in protecting our teachers and ensuring that they are never alone as they carry out this vital civic duty,” ang sinabi ni Education Secretary Sonny Angara.

“With the full support of the President and the trust of the Filipino people, we are ready to respond, assist and uphold the integrity of this election,” aniya pa rin.

Suportado ng DepEd Central, regional, at schools division offices, ang command center ay umaakto bilang national coordination hub ng DepEd Election Task Force (ETF).

Sa kauna-unahang pagkakataon, ang ETF ay nag-operate sa ilalim ng P99.3 million na alokasyon mula sa General Appropriations Act para podohan ang election-related efforts.

Ginamit ang ETF para pakilusin ang mga dalubhasang koponan sa iba’t ibang lugar sa bansa para sa ‘real-time monitoring, legal support, hotline at help desk operations, incident response, at post-election reporting.’

Ang mga team ay dineploy para pangalagaan ang kapakanan ng mga personnel, nakikipag-ugnayan sa Commission on Elections, at tiyakin ang tama at napapanahong resolusyon ng ‘field issues.’

Ang DepEd Central Office ETF ay maaaring makontak sa mga hotlines:

(02) 8633-1940

(02) 8638-3703

(02) 8638-1780

(02) 8633-7256

(02) 8633-7202

(02) 8633-7213

(02) 8638-4044

(02) 8635-3761

(02) 7908-0374

Samantala, pinaalalahanan naman ng Kalihim ang lahat ng mga opisyal at tauhan na manatiling non-partisan alinsunod sa civil service regulations, muling pinagtibay ang commitment nito na protektahan ang democratic values at tiwala ng publiko. Kris Jose