Home NATIONWIDE Election gun ban violators umabot na sa 1,023

Election gun ban violators umabot na sa 1,023

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police na umabot na sa 1,023 katao ang naaresto dahil sa paglabag sa election gun ban hanggang Pebrero 18.

Karamihan sa mga naaresto ay mula sa Metro Manila (306), Central Luzon (162), at Central Visayas (138).

Kabilang sa mga nahuli ang mga opisyal ng gobyerno, kawani ng seguridad, at sibilyan. Narekober ang 1,019 na armas, kabilang ang mga baril at pampasabog.

Epektibo ang gun ban mula Enero 12 hanggang Hunyo 11 sa ilalim ng Comelec Resolution No. 11067 upang maiwasan ang karahasang may kaugnayan sa halalan.

Isang insidente ng election-related violence ang kinumpirma sa Western Visayas, habang dalawa sa BARMM ang iniimbestigahan.

Idaraos ang eleksyon sa Mayo 12.

Maaaring bumoto ang overseas voters mula Abril 13 hanggang Mayo 12, at ang local absentee voters mula Abril 28 hanggang 30. RNT