MANILA, Philippines – Nagbitiw na si Cesar Chavez bilang acting chief ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Huwebes, epektibo sa Pebrero 28, 2025.
”To use a broadcast parlance, I will be signing off as Acting Secretary of the Presidential Communications Office on February 28, 2025, or anytime earlier when my replacement is appointed,” ani Chavez.
Isinumite niya ang kanyang pagbibitiw kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Pebrero 5, habang pinasalamatan ang tiwala at pagkakataong makapaglingkod. Inamin niyang hindi niya natugunan ang lahat ng inaasahan ngunit patuloy siyang sumusuporta sa administrasyon.
Hindi niya binanggit ang tiyak na dahilan ng kanyang pagbibitiw ngunit iginiit na ibinigay niya ang kanyang makakaya habang nasa posisyon.
”Although there is much for which I am grateful and a long list of people to thank, I leave with only one regret: in my estimation, I have fallen short of what was expected of me,” dagdag pa ni Chavez.
”It is to this fidelity to the truth — the bedrock belief to which I have anchored myself as a former broadcast journalist — that I must tell the unvarnished truth about my resignation,” aniya pa.
Wala pang anunsyo ang Malacañang tungkol sa kapalit niya, ngunit kinumpirma ni Chavez na si dating mamamahayag Jay Ruiz ang hahalili, na magsisimula ng transition sa Pebrero 24.
Itinalaga si Chavez bilang PCO acting secretary noong Setyembre 2024, kapalit ni Cheloy Garafil, na kasalukuyang namumuno sa Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan. RNT