Home ENTERTAINMENT Ellen, bad trip noong Pasko!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ellen, bad trip noong Pasko!December 28, 2024 14:07 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – May mga netizen talagang nananadyang mam-bad trip.Kung ito ang Christmas “trip” ng isang netizen ay nagtagumpay siya sa pang-iinis kay Ellen Adarna.Nag-post kasi sa kanyang Instagram si Ellen ng kanilang family picture.Nasa larawan sila ni Derek Ramsay, kasama si Elias at ang kanilang baby girl.May takip nga lang na emoji ang mukha ng baby.Tanging Christmas tree emoji lang ang caption ni Ellen, na tulad ng mga bagets ay nakapulang suot.Derek was dressed in green.Dito na umandar ang pagiging pakialamero ng netizen.“Why cover the face of the baby?” hirit nito.Kagyat namang sagot ni Ellen: “To avoid evìl eye!”Sinang-ayunan naman siya ng isang netizen who posted: “Tama lang ‘yon para hindi mausog!”‘Di pa nakuntento ang epal na netizen, damit naman ni Derek ang napagtripan nito.“Can he not dress in red?” ayon dito.Sa pagkakataong ito na pumalag si Ellen: “Paskung-Pasko, omg, nangingialam ka..F–ck off!”Oo nga naman, walang basagan ng trip! Ronnie Carrasco III