Home ENTERTAINMENT Ellen, binawi ang baby bump post; Netizens, naartehan!

Ellen, binawi ang baby bump post; Netizens, naartehan!

Manila, Philippines – Kung sino pa rin ang may katawan ay siyang may karapatan.

Ito na lang ang gustong isipin ng ilang mga nakakaunawang netizens sa ginawang pag-deactivate ni Ellen Adarna ng kanyang Instagram account nitong Linggo.

The night before that kasi ay nag-post si Ellen ng kanyang selfie on IG facing the mirror.

Mahihinuhang sa loob ‘yon ng banyo na nilakipan pa niya ng masayang caption.

Pero ang higit na nakaagaw ng pansin sa mga netizens na matalas ang mga mata ay ang baby bump ng misis ni Derek Ramsay.

Of late, nabalita na ngang nagdadalantao si Ellen yet neither she nor Derek has come forward with a public admission.

Ganoon kabilis ang mga netizens that they took a screenshot of Ellen’s post.

Tinatayang mga anim na buwan na raw ang kanyang tiyan.

Ano ka’t moments later ay deactivated na kaagad ang IG account ni Ellen.

Na-restore na lang ito the following day, Sunday, na deleted na ang kanyang selfie post.

Dahil dito, hindi naiwasang may mga netizens na naartehan sa ginawa ni Ellen.

Katwiran ng mga ito, all the more pa nga na dapat ay proud si Ellen dahil her wish to conceive a “dragon” baby came true.

Sa isang banda, meron din namang nakakaintindi sa ginawa ni Ellen as she has the sole right to make it public na buntis nga siya.

Not even her husband?

Looks like dahil kung matatandaan, hindi nagustuhan ni Ellen ang “preemptive statement” noon ni Derek nang makunan siya.

From then on nga, Ellen vowed to keep her pregnancy from Derek.

Kung si Derek na nga’y pinagkaitan niya, how much more ang publiko? Ronnie Carrasco III