Home METRO Empleyado ng Manila City Hall, patay sa pamamarilMETRONATIONWIDETOP STORIES Empleyado ng Manila City Hall, patay sa pamamarilAugust 27, 2024 10:41 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki na empleyado ng Manila City Hall matapos barilin sa loob ng kanilang bahay.Nakilala ang biktima na si Carmelo Ocampo, 55 anyos at residente ng 481 Peñalosa Street Brgy 81 Tondo.Sa inisyal na imbestigasyon ng MPD-Station 1, nakaupo lamang ang biktima sa loob ng bahay nang biglang pagbabarilin ng gunman.Nakasuot ang suspek ng maong jacket, itim na mask, helmet, at tinatayang may taas na 5’6″ ang suspek ayon na rin sa mga nakakita sa lugar.Ito ay mabilis na tumakas matapos ang insidente.Nagawa naman maisugod sa Mary Johnson Hospital amg biktima pero namatay rin habang ginagamot.Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaril sa biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden