Home ENTERTAINMENT Eric, sinagot kung bakit di national artist ang ama!

Eric, sinagot kung bakit di national artist ang ama!

Manila, Philippines- Kung si Eric Quizon ang tatanungin, huwag na siya at ang kanyang pamilya ang iturong atat na gawing National Artist ang kanyang ama, ‘yung mga tagasuporta na lang ng yumaong Comedy King.

Nagtataka lang ang actor-director kung bakit as early as late 90s pa noong makunsider si Dolphy para maging recipient ng nasabing award.

Lagi na lang daw kasing nakakasama sa shortlist si Dolphy.

Of course, this is what makes Eric wonder.

Bakit nga ba ipinagkakait sa kanyang daddy ang nasabing karangalan.

Mismong si Eric na rin ang sumagot base sa kanyang mga naririnig.

Aniya, mailap daw sa kanyang ama ang award dahil womanizer daw ito.

Depensa naman ni Eric, alin daw ba ang mas binibigyan ng timbang o kredito: ang pagkatao ni Dolphy o personal na aspeto ng buhay nito?

Sinasabi ring hindi naman daw kasi maituturing na noteworthy ang mga pelikula ni Dolphy.

Slapstick daw kasi ang mga ‘yon at walang kabuluhan.

Eric, however, wouldn’t buy this.

On the contrary, family-oriented ang mga pelikula ng tatay niya.

All throughout his mortal life, ani Eric, his dad made sure all his films were meant to entertain the Filipino audience.

“My dad made people laugh, and if only for succeeding in that aspect, it’s as though nakatanggap na siya ng award,” sey pa ni Eric.

Nais lang ding linawin ni Eric na hindi nag-e-expect ang kanyang pamilya.

As a matter of fact, ni hindi nga sila nagtatanong much less kinukuwestyon kung bakit mallap ang award na kikilala sa kanyang ama sa mga naging kontribusyon nito.

“It’s the people who keep asking why,” aniya.

Oo nga naman, bakit nga ba hanggang shortlist lang ang Hari ng Komedya? Ronnie Carrasco III