Home ENTERTAINMENT Erik, pinipilit na magpakasal na rin!

Erik, pinipilit na magpakasal na rin!

Manila, Philippines – ibang klase rin kung maghabi ng pangarap ang ilang fans para sa kanilang idolo.

Just because Erik Santos’ ex-girlfriend Angeline Quinto already got married ay umaasa silang susunod ito.

Pero teka muna, isn’t it putting the cart before the horse?

Hindi ba puwedeng mabalita munang may nobya si Erik who’ll likely become his future wife?

Natatawa na lang kasi ang ibang netizens sa naging papel ni Erik sa Quiapo Church wedding nina Amgeline at Nonrev Daquina: ring bearer.

Eh ano naman ang masama kung paanong wala rin nakikitang masama kung flower girl naman si Sarah Geronimo?

It’s about time na rin daw Erik settled down.

Eh sa wala ngang girlfriend ‘yung tao, ‘no!

Minsan namang sinabi ni Erik that he sees himself getting married and raising children.

Hindi pa nga lang ganoon ka-immediate ang plano niyang ‘yon, so bakit ang mga fans niya ang naiinip for him?

For sure, sa araw din ng kasal ni Erik ay hindi puwedeng walamg partisipasyon din doon si Angeline.

Samantala, bet ng ganap nang si Mrs. Nonrev Daquina na bukod kay Baby Sylvio ay masundan pa ito ng dalawa o tatlo pa.

Ideally, Angeline wants to have three to four kids.

For the longest time daw kasi ay malungkot ang buhay niya as she has no siblings she can run to pag may problema siya. Ronnie Carrasco III