Home OPINION EVERYTHING MUST GO!

EVERYTHING MUST GO!

DAPAT na malusaw ang lahat nang itinayo upang lapastanganin ang Chocolate Hills! Ang pagkakatuklas ng isa pang resort — sa pagkakataong ito ay nasa bayan ng Carmen na nasasaklawan ng Chocolate Hills — ang Bud Agta, na lumalabag sa mga batas upang abusuhin at mapakinabangan ang pambihirang likas na yaman na ito ay isang nakadidismayang patunay ng pagiging pagahaman at ng incompetence.

Pawang malalamyang palusot ang ibinigay ng alkalde ng Carmen, si Conchita delos Reyes, kung paanong pinagkalooban niya ng permit ang bagong istrukturang ito noong 2023, pero inilalantad pa rin nito ang tunay na kabulukan ng mga namamahala: una nang nag-isyu ng environmental compliance certificate sa developer nito, at pinayagan din ng Protected Area Management Board  ang nabanggit na sertipikasyon.

Ang Chocolate Hills, na ipinagmamalaking simbolo ng ating bansa at may ecological significance, ay nasisira na ngayon ng mga imahe ng paikot na hagdanan at mga nagsulputang negosyo na nagpapanggap na eco-tourism. Gayunman, kitang-kita naman natin na ang pang-aabusong ito sa mga protektadong lugar ay kinailangan ng ilan upang mairaos ang pagkagahaman sa kita.

Insulto ito sa konsepto ng pagiging disente at isang pagtataksil sa mga susunod na henerasyon, na may patas na karapatan sa natural wonder of the world na ito.

Aligaga ngayon ang Departments of the Interior and Local Government, Environment and Natural Resources, at Tourism para maitama ang mali. Pero ang kabiguan ng sistema, na pinalala pa ng pagsasabwatan ng mga awtoridad na nagpahintulot na babuyin ang mga burol na ito, ay sobrang kahiya-hiya at maituturing na isang malaking krimen.

Mga legal na hakbangin naman ang hangad ni Ombudsman Samuel Martires upang mapanagot ang sinoman mula sa gobyerno na nagkasala na tatapatan naman ng Department of Justice sa pagpapanagot sa mga gahamang negosyante — na inakalang pupwede iyong basta maglagay lang sila nang maglagay para maisakatuparan ang gusto nilang baguhin ang nilikha ng Diyos na pinoprotektahan ng mga makatwirang tao — at ipakulong ang mga ito.

Sa ganitong paraan lang natin maisasara ang hindi gumaling-galing na sugat na nagpapabulok sa ating senses upang manaig ang mali sa tama. Kailangan nating pagnilayan ito — isang pangkalahatang pagtanggi sa kulturang ito ng pambababoy sa ating mga pambansang yaman kasabay ng paninindigan para sa tunay na pangangalaga sa mga ito.

*         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).