Manila, Philippines – Nagluluksa sa ngayon ang Malaking Kapulungan ng Kongreso dahil sa pagkamatay ng isa sa dating kongresista na si Deputy Speaker at Palawan Rep. Alfredo Amor Abueg Jr.
Naka-half mast ngayon ang bandila ng Pilipinas sa Kamara bilang pagpupugay sa dating kongresista.
Sa pamamagitan ng House Resolution No. 2088 ay nagpa-abot ng pakikiramay ang mga mambabatas sa pamilya ng namayapang kongresista na naging miembro ng Kamara sa panahon ng 9th, 10th at 11th Congress.
Ang resolusyon ay pangunahing inakda nina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, Tingog Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre t Deputy Speaker Tonypet Albano. (Meliza Maluntag)