Home METRO Ex-convict, utas sa pamamaril sa Cebu City

Ex-convict, utas sa pamamaril sa Cebu City

32
0

CEBU, Philippines – Isang dating bilanggo na namatay sa pamamaril ang patuloy na iniimbestigahan ng Cebu City Police Office nitong gabi ng Martes, Mayo 26.

Kinilala ang biktima na si 33-anyos na si Dennis Omasdang, na binaril sa labas ng kanilang bahay sa Sitio Centro Alaska, Barangay Mambaling.

Ayon sa pulisya, nakaupo ang biktima sa nakaparadang e-bike nang lapitan ng isang hindi pa nakikilalang salarin at pinaputukan ito ng dalawang beses.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Omasdang.

Naitala ang insidente sa Mambaling Police Station bandang 11:40 ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakasuot umano ng itim na hooded jacket at gray-and-white shorts ang gunman nang lapitan ang biktima at barilin sa katawan.

Tumakas ang suspek patungo sa loob ng Sitio Centro Alaska.

Narekober ng mga imbestigador sa crime scene ang dalawang basyo ng .45 caliber at isang bala ng hindi pa matukoy na kalibre.

Patuloy ang hot pursuit operation ng pulisya upang matunton at maaresto ang suspek. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here