Home HOME BANNER STORY Firearms license, rehistro ni Sen. Bato binawi ng PNP-FEO

Firearms license, rehistro ni Sen. Bato binawi ng PNP-FEO

79
0

MANILA, Philippines – Ipinawalang-bisa ng Philippine National Police Firearms and Explosives Office ang license to own and possess firearms (LTOPF) at mga rehistradong armas ni Senator Ronald dela Rosa.

Ayon sa revocation order na may petsang Mayo 26 at pirmado ni Brig. Gen. Jose Manalad Jr., isinagawa ang hakbang alinsunod sa Section 4(g) ng Republic Act 10591, na nagsasaad na hindi maaaring mabigyan ng firearms license ang isang taong may kinakaharap na kasong kriminal na may parusang higit dalawang taon.

Batay sa rekord, may Type 5 LTOPF si Dela Rosa na balido sana hanggang 2034 at nakarehistro sa kanyang pangalan ang 117 na iba’t ibang baril.

Dahil sa revocation, kailangang isuko o ipadeposito ang lahat ng kanyang rehistradong armas sa pulisya para sa disposisyon.

Iniutos din ng PNP-FEO sa Regional Civil Security Unit 11 na ipaalam ang desisyon at ipatupad ang pagkumpiska ng mga armas.

Ayon sa PNP, ang hakbang ay bunsod ng motu proprio proceedings matapos iutos ng Department of Justice na ipatupad ang ICC warrant laban kay Dela Rosa.

Si Dela Rosa ay dating hepe ng Philippine National Police at kasalukuyang senador, at inuugnay sa imbestigasyon ng International Criminal Court kaugnay ng war on drugs sa administrasyong Duterte.

Mariin namang kinuwestyon ng kampo ni Dela Rosa ang legal na batayan ng revocation, iginiit na wala pa umanong conviction at hindi pa siya nahahatulan ng anumang korte sa Pilipinas.

Patuloy na pinagtatalunan ang legalidad ng hakbang habang umiigting ang mga isyu kaugnay ng kanyang mga kaso at posisyon bilang mambabatas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here