Home NATIONWIDE Ex-PRRD nagbabala, VP Sara mananalo bilang pangulo kasunod ng pagkakaaresto

Ex-PRRD nagbabala, VP Sara mananalo bilang pangulo kasunod ng pagkakaaresto

MANILA, Philippines – Sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes, Marso 11, na mananalo si Vice President Sara Duterte kung magdesisyon itong tumakbo bilang Pangulo dahil sa pagkakaaresto sa kanya ng International Criminal Court (ICC).

Ito ang naging prediksyon ni Duterte habang nasa kustodiya ng mga awtoridad sa Villamor Airbase kasunod ng arrest warrant na inisyu ng ICC dahil sa umano’y crimes against humanity sa kanyang madugong war on drugs.

“My family, lalo na si VP (Vice President Sara Duterte), pag bukas mag-presidente ‘yan, or on a longer term kung tatakbo yan, mananalo ‘yan… dahil sa ginawa niyo,” sinabi ni Duterte sa isang Instagram live post ng kanyang anak na si Veronica “Kitty” Duterte.

Matatandaan na nahaharap din si Vice President Duterte sa mga reklamong incitement to sedition at grave threat, maging ang mga reklamo ng grave coercion, direct assault at disobedience.

Na-impeach din ng Kamara si Duterte at ngayon ay naghihintay na lamang ng impeachment trial sa Senado. RNT/JGC