Home OPINION FAKE NEWS KONTRABIDA SA GOBYERNONG MARCOS

FAKE NEWS KONTRABIDA SA GOBYERNONG MARCOS

HINDI lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo problema ang nagsusulputang fake news sa iba’t ibang social media platform.

Masama ang epekto ng fake news kaya ito’y pandaigdigang concern na kung mapababayaan ay magdudulot ng delubyo sa sangkatauhan.

Dito sa atin ay matindi ang pananalasa ng fake news na mismong ang target ng mga malisyosong ulat ay si Pangulong Ferdinand “Bongbong”  Marcos Jr.

Kung maglabasan ang mga ‘di totoong balita laman ang kasalukuyang pamahalaan ay mistulang kontrabida ang fake news sa liderato ni Pangulong Marcos.

Kaya nga sa isang press gathering kamakailan ay hiniling ni PBBM ang tulong ng media na labanan ang naghaharing fake news o maling balita.

Tiyak na batid ni newly appointed Presidential Communication Office Secretary  Cesar Chavez ang epekto ng fake news sa gobyernong kanyang pinaglilingkuran.

Bilang dating Presidential Assistant for Strategic Communications, alam  ni Chavez kung paano nasasaktan ang Palasyo dahil sa fake news na ang karamihan ay nagsulputan dahil sa involvement ng “pera”.

Sa kasalukuyang panahon na namamayani ang fake news kaysa sa authentic news. Aba’y  banta ito sa tumataas ngayong trust rating ni Pangulong Bongbong.

Tama ang Pangulo. Kailangang tumulong ang mainstream media para magapi ang lima singkong fake news na nagkalat sa soc-med.

Ang tri-media – telebisyon, radio at print o dyaryo ay magkaisa para sa iisang pagkilos para maitama ang kumakalat na maling balita – ang fake news.

Kung paano maging united ang media entities laban sa fake news ay tiyak nasa listahan na ‘yan nang gagawing pagbabago ni Chavez sa PCO.