Home OPINION FDA: UNAUTHORIZED COSMETIC PRODUCTS BAWAL IBENTA AT GAMITIN

FDA: UNAUTHORIZED COSMETIC PRODUCTS BAWAL IBENTA AT GAMITIN

240
0

Sa magkakahiwalay na public advisories na inilabas ng FDA o Food and Drug Administration, nagbigay ito ng babala sa publiko hinggil sa pagbili, pagbenta, at paggamit ng pitong cosmetic products na walang kaukulang permiso mula sa ahensiya na naglipana sa merkado.

Sa pagsusuring isinagawa ng EcoWaste Coalition sa mga produkto ay nakitaan ito ng mataas na antas ng mercury na lubhang delikado sa kalusugan.

Ayon sa FDA Advisory No. 2024-0903, Public Health Warning Against the Purchase and Use of Unnotified Cosmetic “FEIQUE 2IN1 Lemon Whitening Anti-wrinkle Face Cream set, day cream and night cream.”

Hindi dumaan sa pagsusuri ang pitong produkto kaya maaari ngang kontaminado ito ng mercury na magreresulta sa iritasyon sa balat, pangangati, at organ failure partikular ng li­ver, kidney at ng digestive system.

Ang pitong cosmetic products na ipinagbabawal ng FDA ay ang:
· Sandal Beauty Cream
· Faiza Beauty Cream
· Feique Herbal Extract Whitening Freckle Removing Cream
· Feique Green Tea Whitening Nourishing Anti-Freckle Set
· Feique Cucumber Whitening and Freckle-Eliminating Cream
· Feique 2-in-1 Lemon Whitening Anti-Wrinkle Face Cream Set
· Feique Snail Liquid Whitening Anti-Freckle Set

Kaya inaabisuhan ng FDA ang publiko na huwag tangkilikin ang mga produktong nabanggit. Para makaseguro na ang bibilhing cosmetic products o anomang produkto ay may awtorisasyon mula sa FDA, maaaring gamitin ang verification portal na https://verification.fda.gov.ph.

I-type lamang ang pangalan ng produkto at kaagad na lalabas ang kasagutan.

Nagbigay rin ng babala ang FDA sa mga establisimyento na nagbebenta ng “unauthorized cosmetic products” na sundin ang mga kautusan at regulasyon ng FDA.

Pinapurihan naman ng EcoWaste Coalition ang FDA sa mabilis nitong pag-aksyon kontra sa mga nabanggit na produkto sabay panawagan sa mga e-commerce at online shopping platforms na alisin sa listahan ng kanilang ipinagbibili ang nabanggit na pitong cosmetics products.

Inalerto ng grupo ang FDA ukol sa malawakang online sale ng mga cosmetic products na nabanggit dito sa Pilipinas at sa China. Gamit ang sariling portable X-Ray Fluorescence ay nakitang nagtataglay ng mercury na higit one part per million (ppm) limit ang mga produkto alinsunod sa pamantayan ng ASEAN Cosmetic Directive. Nagawa ng EcoWaste Coalition na makapag-order online na siyang sumailalim sa pagsusuri.

Nagpapaalala rin ang FDA sa publiko na huwag tangkilikin o bumili ng mga gamot mula sa mga doktor sa mga hindi awtorisadong klinika at pasilidad pangkalusugan.

Sa isang sulat na may lagda ni FDA director general Samuel Zacate, iginiit ng ahensiya na ang “act of dispensing” ay eksklu­sibo lamang na mandato ng isang pharmacist sa isang lisensiyadong establisimyento.

Malinaw umanong nakasaad sa Republic Act No. 10918 na “dispensing was defined as the sum of processes performed by a pharmacist from reading, validating and interpreting prescriptions; preparing; packaging; labeling; record keeping; close calculations; and counseling or giving information, in relation to the sale or transfer of pharmaceutical products, with or without a prescription or medication order.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here