Home METRO Fetus natagpuan sa loob ng simbahan!

Fetus natagpuan sa loob ng simbahan!

MANILA, Philippines- Nadiskubre ang inabandonang fetus sa loob ng isang simbahan sa Quezon City nitong Miyerkules ng gabi.

Sinabi ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) na naamoy ni Mercy Reyes, isang usherette sa Sto. Domingo Parish Church, ang umaalingasaw na amoy mula sa isang kahon ng sapatos na nasa loob ng isang paper bag na iniwan sa candle area ng simbahan dakong alas-6 ng hapon.

Doon na niya natuklasan na fetus ang laman ng kahon, dahilan upang sumangguni siya sa mga pulis.

Nagsasagawa na ang mga awtoridad ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang indibidwal na nag-iwan sa fetus. RNT/SA