MANILA, Philippines — Ipagpapaliban ng Senate blue ribbon committee ang sarili nitong imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects at ipauubaya muna ito sa Office of the Ombudsman upang hindi maantala ang mga kasong kasalukuyan nang umuusad.
Ito ang sinabi nitong Biyernes ni panel chairman Senator Erwin Tulfo matapos makipagpulong kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla kasama si Senate President Sherwin Gatchalian sa tanggapan ng anti-graft agency sa Quezon City.
“Initially, ang napag-usapan namin sa Ombudsman na everything that has to do with flood control sila na maghahawak. Kasi ang dami na ring ongoing…tumatakbo na ‘yung mga naisubmit na sa kanila, ‘yung congressman, contractors, sa Senate, and high-ranking officials gumugulong na,” ani Tulfo.
“Kung pakialaman pa namin, baka mapurnada pa. We don’t want to do that,” dagdag niya.
Naghain na ang Office of the Ombudsman ng hindi bababa sa anim na batch ng mga kaso kaugnay ng flood control projects mula nang maupo si Remulla bilang Ombudsman noong Oktubre 2025.
Kabilang dito ang kasong plunder laban kay Senator Jinggoy Estrada at dating Public Works chief Manuel Bonoan. RNT