Home OPINION FOI VS P350B ANTI-FLOOD SCAM

FOI VS P350B ANTI-FLOOD SCAM

209
0

KASUSUMITE lang ni Senator Tito Sotto ang panukalang “People’s Freedom of Information Act of 2025.”

Ito’y habang umiiral pa hanggang ngayon ang Executive Order No. 2 (E.O. 2), Series of 2016 para sa Freedom of Information na pinalabas noon ni ex-Pangulong Digong Duterte.

Kung iisipin, may malalaking pagkakatulad ang dalawa at pangunahin dito ang karapatan ng mga mamamayan na magkaroon ng impormasyon ukol sa mga transaksyon ng pamahalaan at ng mga opisyal ng gobyerno sa ilalim ng prinsipyo ng transparency o pagiging bukas sa publiko ng lahat ng ito.

Inoobliga rin ng dalawa ang pagsusumite ng mga opisyal ng pamahalaan mula sa pambansang pamahalaan hanggang sa lokal na pamahalaan ng kanilang mga Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.

Pareho rin silang na nagsasabing hindi absolute o walang hangganan ang karapatang ito dahil may mga isinasaalang-alang pa rin gaya ng pambansang seguridad, relasyong pandayuhan, pribadong usapin at iba pa.

May malalaking diperensya naman sila at kabilang dito ang E.O. 2 na nilikha para lang sa ehekutibong sangay ng pamahalaan habang sakop ng panukala ang tatlong sangay ng pamahalaan: ehekutibo, lehislatura at hudikatura.

Hindi naman malinaw sa E.O.2 ang ukol sa paggamit ng badyet ng mga ahensya ng pamahalaan bagama’t klarong laman ito ng panukala.

Parehong nilikha ang mga panukala at EO 2 para makontrol ang pamahalaan at mga opisyal sa gawain nilang korapsyon, pandarambong, pang-aabuso sa kapangyarihan at iba pang kaaliwaswasan.

Noong panahon ni Duterte, madaling naipasa ang E.O. 2 at pangalawa pa nga sa mga EO niya ito sa pagsisimula mismo ng kanyang administrasyon.

Tanong: Gaano naman kaya kadali at kaaga maipapasa ang panukala ni Sotto…kung maipapasa ito?

Paano kaya iugnay ang panukala ni Sotto sa mga kinakalkal ngayon ng pamahalaang Marcos na mga kaaliwaswasan?

Halimbawa na lang ang P350 bilyong kwestiyonableng mga proyekto mula sa P550B laban sa baha simula nang manungkulan si Marcos noong 2022.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here