TAMA naman ang sinasabi ng ilan na ang Impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ay hindi lamang usaping pampulitika, kundi tungkol sa pananagutan o accountability.
Ngunit ibinasura ng mayorya ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang reklamong Impeachment laban kay VP Sara dangan kasi’y kitang-kita naman na ito ay bahagi ng panggigiba sa Bise-Presidente para mapatalsik siya sa poder at hindi na payagang makatakbo sa 2028 Presidential elections.
Malinaw na pamumulitika lang, hindi ba?
Kung accountability ang pag-uusapan, maraming opisyal sa kasalukuyang gobyerno at mga politiko na dapat kasuhan, mapatalsik at maipakulong sa kanilang garapalang pagnanakaw sa pondo ni Juan dela Cruz.
Kung hindi kaya si Martin Romualdez ang Speaker of the House at karamian ng kongresista ay nasa kanyang “malalim na bulsa”, tingin n’yo ba ay hindi masasampahan ng reklamong Impeachment si Pangulong Bongbong Marcos, Jr.?
Baka una pang masipa sa Palasyo ng Malakanyang ang Pangulo kaysa sa Bise-Presidente.
Sa sandamakmak na isyu ng nakawan sa gobyernong Marcos, Jr., baka maubos ang mga opisyal at pulitiko kung silang lahat ay hahabulin at pananagutin.
Ngunit hindi ganito ang nangyayari dahil sa malawak na pagsasabwatan ng mga magnanakaw na ‘yan. Mahusay sila masyado magmaniobra.
Nagkukunwari silang mga santo at malilinis na tila ba hindi sila ang mga totoong magnanakaw ng salaping bayan.
Nakapokus lang sila sa pagwasak sa iisang tao na batid nilang magiging tinik sa kanila sa hinaharap.
Hindi naman ang sinasabing dinambong ni VP Sara na confidential at intelligence fund ang tunay na issue sa likod ng mga ingay na ito.
Ang totoo, nais lang nila pagtakpan ang kanilang mga ginawa at gagawin pang kabulastugan para tuloy ang kanilang ligaya sa pandarambong sa kabang bayan.
O, hindi ba’t nabulgar nga na iilang tao o mga pulitiko lang na kung tawagin ay ‘CONG-TRACTORS’ ang may kontrol sa badyet para kuno sa mga pagawaing pangempraestruktura pero mga guni-guni lang pala.
Accountability ba kanyo? Kasuhan ang mga mandarambong na ito. At sa totoo lang, kulang ang kulong sa mga ito dahil ang nararapat sa kanila ay sunugin nang buhay dahil sa sobrang inabot na pagdurusa ng taumbayan sa kanilang kasakiman sa kuwarta.
Pero sino ang mag-iimbestiga sa kanila? Sino ang magsasabing sila ay mga guilty? Ang mga kapwa rin nila buwaya sa kapulungan at kasabwat sa pagnanakaw?
Sabi nga ni Marcos, Jr. sa kanyang State of the Nation Address o SONA…
“Huwag na tayong maglokohan!”
O magandang sabihin…”WAG MO NA KAMI LOKOHIN!






