Home NATIONWIDE Fresh grads hinimok makibahagi sa reporma vs korapsyon sa DPHW

Fresh grads hinimok makibahagi sa reporma vs korapsyon sa DPHW

180
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Public Highways Secretary Vince Dizon ang mga kabataan o fresh graduates na makibahagi sa reporma sa kagawaran para labanan ang korapsyon.

Sa kanyang pagdalo sa pagsisimula ng DPWH Campus Job Fair sa Mapúa University sa Intramuros, Maynila, sinabi ni Dizon na bahagi ng direktiba ng Pangulo ang humikayat ng mga dynamic at idealistic young professionals upang mapunan ang mahigit 2,000 bakanteng posisyon sa ahensya.

Sinabi ni Dizon na kailangan ng bagong henerasyon at mga propesyunal upang tumulong sa paglutas ng mga suliranin sa DPWH at linisin ang hanay ng ahensya.

Ikinatuwa rin ng kalihim ang mataas na interes ng mga bagong graduates, na aniya’y patunay na may pag-asa pang maisulong ang pagbabago sa tulong ng kabataan.

Ang nasabing job fair ay dinaluhan ng mahigit 300 aplikante.

— Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here