Home METRO 11°C naitala sa Baguio

11°C naitala sa Baguio

204
0

MANILA, Philippines — Naitala sa Baguio City ang pinakamababang temperatura ngayong “amihan” season na umabot sa 11 degrees Celsius noong Huwebes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ng PAGASA weather specialist na si Chenel Dominguez na inaasahang magpapatuloy ang mga pag-ulan at paglamig dulot ng amihan ngayong linggo.

Ilan sa mga lugar na nakapagtala ng malamig na temperatura noong madaling araw ng Huwebes ay ang Basco, Batanes (15.8°C); Tanay, Rizal (17.2°C); Malaybalay, Bukidnon (18°C); San Ildefonso, Bulacan (18.6°C); at Tuguegarao City, Cagayan (18.7°C). Naitala naman ang Calayan, Cagayan at Sinait, Ilocos Sur sa 18.9°C. Sa Casiguran, Aurora ay 19.2°C, habang sa Baler, Aurora ay 19.5°C. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here