Home NATIONWIDE Fuel subsidy sa mga mangingisda, magsasaka at tsuper suportado ng DOE

Fuel subsidy sa mga mangingisda, magsasaka at tsuper suportado ng DOE

192
0

MANILA, Philippines – Suportado ni Energy Secretary Sharon Garin ang distribusyon ng fuel subsidy sa mga magsasaka, mangingisda at mga public transport driver ngayong buwan dahil sa inaasahang mas mataas na presyo ng petrolyo sa Abril.

Sa panayam, sinabi ni Garin na huli na kung sa Mayo pa tatapyasan ang excise tax sa langis.

“‘Yun din ang sinabi ko, tapos na problema saka magbaba ng excise tax…3 months medyo matagal,” ani Garin sa panayam ng DZMM.

“Ang ayuda for fisherfolk, farmers and drivers, kung akyat siya ng akyat (oil), should be available within this month. I think excise tax dapat pumasok ng April, kung papayagan ng Kongreso. Depende sa Congress.”

Nang tanungin naman kung nag-peak na ang presyo ng gasolina, diesel at kerosene, sinabi nito na:

“Ako I would expect the worst because it’s better to be overprepared tayo. Hindi ko rin talaga masabing, I don’t have the vision kung within this week or next week kung gaano siya katagal.”

“Gusto ko lang prepared tayo, prepared for the worst. Kahit mag-gera sila doon, the Philippines will be okay, fuel and power-wise.”

Ngayong linggo ay inaasahang tataas ng P17 hanggang P24 kada litro ang presyo ng produktong petrolyo sa kabila ng pagpayag ng mga fuel company na hati-hatiin ang dagdag sa presyo nito sa loob ng isang linggo.

Hinimok ng DOE ang oil companies na mag-order na nang mas maaga ng petrolyo dahil sa inaasahan pang pagtaas ng presyo nito.

Ani Garin, kumpiyansa siya na makakakuha ang Pilipinas ng langis mula sa South Korea, Canada o Brazil bagamat nakababahala ang mga magiging pagtaas sa presyo nito.

Nakakakuha rin ng langis ang Pilipinas mula sa India at Australia.

Hindi naman sinang-ayunan ng energy chief ang panukala na pagrarasyon ng gasolina tulad noong 1970s sa pagsasabing nakakabili pa naman ang mga motorista sa mga gasolinahan.

“I am not recommending that now to the President…I don’t think it will come to that,” aniya.

Hinimok namn nito ang publiko na iwasan ang pagwaldas ng gasolina at pinaalalalahan ang mga gasolinahan na bentahan ng gasolina ang mga magsasaka at mangingisda na nagdadala ng container sa mga gasolinahan.

“We sent notices to allow companies to sell oil to farmers and fisherfolk for gensets. We will reinforce this…We will remind them.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here