Home OPINION GALAWANG TAMBUNTING, AMAZING!

GALAWANG TAMBUNTING, AMAZING!

MAY mag-asawang politiko  na tila na-master na ang pagiging madikit sa mga dapat dikitang matataas na opisyal ng bansa. Alam nila kung kelan sila kakapit at kung kelan bibitiw. Aba’y amazing!

Mapaiisip ka talaga sa galawan ng mag-asawang ito.

Hiindi mauuri kung sila ay mga “balimbing”  dahil ang kanilang mga kilos, sabi nila, ay “trabaho lang, walang personalan”.

Sa iba, ang tawag d’yan ay “hunyango”.  Kung ano ang kulay na makapitan ay gayon din sila. Walang LOYALTY, ika nga. Kung saan may interes o pakinabang, doon sila.

Masaklap dahil ganito ngayon ituring ng taumbayan si Parañaque Representative Gus Tambunting at ang asawa niyang si Joy na dati ring naging congresswoman ng lungsod.

Si Gus ang naging susi para mabawi ng Kongreso ang prangkisa ng Sonshine Media Network International, ang broadcasting network ng Kingdom of Jesus Christ Church na pinapangunahan ni Pastor Apollo Quiboloy.

Bilang chairman ng House Committee on Legislative Franchises, si Gus ang nag-sponsor ng bill sa Kamara de Representante para matanggalan ng prangkisa ang SMNI, kung saan may programa si dating Pangulong Rodrigo Duterte na “Gikan sa Masa, Para sa Masa”.

Nagsimula lang naman “uminit ang tumbong”  ng Kamara laban sa SMNI nang isa sa mga host ng isa sa mga programa nito ay nagsabing gumastos daw si Speaker Martin Romualdez ng P1.8 bilyong piso sa kanyang mga biyahe abroad noong 2023.

Bukod dito, umupak din sa kanyang programa si FPRRD para ipagtanggol ang anak na si Vice President and DepEd (Department of Education) Secretary  Inday Sara nang tanggalin ng Kamara ang  ‘confidential funds’ ang kanyang mga tanggapan.

Sinabi ng dating Pangulo na ang Kamara raw ang pinakabulok na ahensya ng gobyerno. Araguy!

Kaya para maka-pogi points at mapaligaya si Speaker, ipinasa ng mambabatas ng Parañaque sa kanyang komite ang bill na kanya mismong inisponsoran para matanggalan ng prangkisa ang SMNI.

Ang problema nga lang, kung ‘pogi’ siya kay Speaker ay ‘bad shot’ naman siya sa mga Duterte.  Yari siya dahil kung tutuusin, malakas na pwersa pa rin sa pulitika ang mga Duterte.

Pero kampante lang si Gus dahil ang misis n’yang si Joy ay “feeling close” kay VP Inday Sara.

Si Joy ang DepEd Office of the Secretary Central Office Manager? Yes po, ‘yan ang official title niya sa Cabinet Department na pinamamahalaan ni VP Inday Sara.

‘Feeling important’ din si Joy dahil bilang office manager, minsan ay siya ang kumakatawan kay VP Sara sa mga event na imbitado ang DepEd.

Aba’y napakagaling naman pala ng mag-asawang ito. Parehong nakakapit sa magkabilang pwersa.

Para silang ika nga e, mga “double agent”.

Amazing, pero dis-GUS-ting!