Home NATIONWIDE Gastusin sa bagong Senate Building hihimayin na ng Senado; pagdinig itinakda sa...

Gastusin sa bagong Senate Building hihimayin na ng Senado; pagdinig itinakda sa Hulyo 3 

MANILA, Philippines- Nakatakdang magsagawa ng kaukulang pagdinig ang Senate committee on accounts sa pamumuno ni Senador Alan Peter Cayetano upang busisiin ng ginastos at karagdagang badyet sa pagpapatayo ng New Senate Building (NSB).

Sinabi ni Cayetano na itinakda ang pagdinig sa Hulyo 3, 2024 upang maipatawag ang kinauukulang ahensya tulad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi nakikipag-ugnayan sa Senado.

“In our commitment to ensuring a prompt and impartial review of the new Senate building, the Committee on Accounts will convene a public hearing on Wednesday, July 3, 2024, 11:30 AM. This initiative aims to eliminate delays that could result in unnecessary costs or complicate cost-related matters,” ayon kay Cayetano, chairman ng komite.

Sinabi ni Cayetano na hindi tinutugunan ng DPWH ang kahilingan ng Senado na ibigay ang lahat ng mahahalagang dokumento hinggil sa pagpapatayo ng gusali.

“We have reached out numerous times to the Department of Public Works and Highways since June 14, 2024 for the submission of all project-related documents but all our communication has fallen on deaf ears. Consequently, we have formally requested Secretary Manuel Bonoan for these documents to be submitted no later than Monday, July 1, 2024. This timeline allows committee members adequate time to review the materials thoroughly ahead of Wednesday’s hearing,” paliwanag ni Cayetano.

Pinarebyu ni Senate President Francis Escudero ang bagong gusali pagkatapos maluklok noong Mayo 20, 2024.

Naunang inihayag ni Cayetano na naantala ang proyekto sanhi ng maramihang kadahilanan tulad ng pagbabago, procurement, burukrasya sa DPWH at mabagal na pag-order. Ernie Reyes