Home ENTERTAINMENT Gehlee Dangca, Elisia Parmisano pasok sa 8-member K-pop group na UNIS

Gehlee Dangca, Elisia Parmisano pasok sa 8-member K-pop group na UNIS

SOUTH KOREA – Nakapasok sa final lineup ng SBS survival show na Universe Ticket ang Pinay na si Gehlee Dangca.

Si Gehlee ang ikalawang Filipino na magde-debut sa bagong K-pop girl group ng Universe Ticket.

Matatandaan na kamakailan ay inanunsyo si Elisia Parmisano na kabilang na sa final lineup ng ipakikilalang grupo.

Sa live finale ng Universe Ticket nitong Miyerkules ng gabi, Enero 17, nagdiwang ang mga fans nang ianunsyo si Gehlee na makaabot sa level P.

Gumagamit ang naturang show ng pyramid-level system na PRISM, kung saan “P” ang pinakamataas at “M” ang may pinakamababang score.

Ang unang walong contestant na makaabot sa level P ay makakasama sa debut sa final lineup.

Maliban kina Elisia at Gehlee, makakasama rin nila sa grupo sina Bang Yunha, NaNa, SeoWon, Yoona, Kotoko at Jin Hyeonju.

Samantala, inanunsyo na rin ang magiging pangalan ng grupo. Ito ay tatawaging “UNIS.” RNT/JGC

Previous articleKathryn, ni-like ang post ni Gelli sa pag-aasawa!
Next articleDonny, napa-thank you sa ‘di pagkasali ng pelikula!