Home ENTERTAINMENT Gerald, pass muna sa lovelife sa 2026!

Gerald, pass muna sa lovelife sa 2026!

281
0

Manila, Philippines – Hindi kabilang sa list of priorities ni Gerald Anderson na mag-focus sa kanyang lovelife sa 2026.

Muli kasing iginiit ng actor-director na walang balikang nangyari sa pagitan nila ni Julia Barretto.

At kung may kumalat ngang ganoon, Gerald has categorically labeled it as nothing short of fake news.

Panahon na raw para i-exercise ng publiko ang kanilang sense of discernment–being able to tell real news from a fake one.

This 2026, ang mas pagtutuunan daw ni Gerald ng pansin ay trabaho at personal growth.

In short, pass muna sa pag-ibig.

Katwiran niya: “Kapag hinahanap mo kasi, lalong hindi dumarating.

“Subukan mong huwag hanapin, darating ‘yan!”

Hindi na nilinaw pa ni Gerald kung bakit ipapahinga niya ang kanyang puso.

Napagod na ba ito o nasaktan–at sa anong paraan?

Ano’t anuman, at least, Gerald would rather channel his energies to productive, self-enhancing endeavors. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here