Manila, Philippines – Tulad ng nakagawian taun-taon, maghahatid na naman ng kasayahan ang grand parade of stars para sa 51st Metro Manila Film Festival.
Gaganapin ito sa Makati City sa December 19, anim na araw bago magbukas sa mga commercial theatre ang walong opisyal na kalahok.
Pagkakataon ‘yon ng publiko para masilayan nang personal at malapitan ang mga bida ng eight entries.
Kabilang ang mga pangunahing bida sa mga pelikulang Call Me Mother, Rekonek, Manila’s Finest, Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, I’m Perfect, Love You So Bad, Umarry at Bar Boys: After School.
Ayon kay MMDA Chairman at MMFF
Chairman Don Artes, ikinararangal nilang ipagdiwang ang ika-51 taon ng festival sa siyudad ng Makati sa kauna-unahang pagkakataon.
“A New Era for Philippine Cinema” ang tema ngayong taon.
Ala una ng hapon magsisimula ang grand parade sa Macapagal Blvd., dadaan ng Buendia Ave., Ayala Ave., Makati Ave., J.P. Rizal St., A. Reyes Ave. at magtatapos sa Circuit Makati.
Babagtasin ang habang 8.4 kilometro, tinatayang aabot ang travel time nang isang oras at 40 minuto.
All eight official entries open on Christmas Day nationwide.