Home NATIONWIDE Karagdagang dokumento isinumite sa ICI

Karagdagang dokumento isinumite sa ICI

282
0

MANILA, Philippines – Ipinasa nitong Martes sa Independent Commission on Infrastructure (ICI) ang karagdagang mga dokumento, kabilang ang mga dokumentong may kinalaman sa Sunwest Inc.

Ayon sa isang tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), dinala nila ang humigit-kumulang 40–50 kahon ng dokumento na may kaugnayan sa flood control scandal sa punong-tanggapan ng ICI.

Bukod sa kahon na may label na “Sunwest,” nakita rin ang isang kahon na may label na “LRTQ Builders” na dinala ng CIDG.

Ang Sunwest Inc., na co-found ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, ay nasasangkot sa anomalya sa flood control projects sa Oriental Mindoro.

Samantala, ang “LRTQ Builders” ay maaaring tumukoy sa L. R. Tiqui Builders, na kabilang sa Top 15 contractors ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatanggap ng pinakamaraming flood control projects mula 2022 hanggang 2025.

Ayon kay Brian Keith Hosaka, executive director ng ICI, hindi nagsagawa ng hearings ang komisyon ngayong Martes.

Kumpirmado rin niya na hindi natuloy ang regular na pagpupulong ng asset recovery technical working group (TWG) sa parehong araw.

Ang TWG, na regular na nagpupulong tuwing Martes, ay nakatuon sa pagbawi ng pondo at ari-arian ng publiko na may kinalaman sa mga irregular o anomalous flood control projects. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here