Home HOME BANNER STORY ‘Ghost students’ itinanggi ng DepEd IlocosHOME BANNER STORYNATIONWIDETOP STORIES ‘Ghost students’ itinanggi ng DepEd IlocosFebruary 19, 2025 19:02 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng DepEd Ilocos ang alegasyong may “ghost students” sa ALS program gamit ang SHS Voucher Program.Tinawag ni Regional Director Tolentino Aquino na walang basehan at malisyoso ang paratang, na aniya’y paninira lamang sa ahensya.Nag-ugat ang isyu sa isang viral na video na nagsasabing may pekeng estudyanteng inirehistro upang ilihis ang pondo ng gobyerno.Kinumpirma ni Education Secretary Sonny Angara ang imbestigasyon sa 12 pribadong paaralan sa siyam na dibisyon na umano’y ilegal na nakinabang.Sinabi ni Aquino na mahigpit nilang binabantayan ang mga paaralang tumatanggap ng subsidiya.Tiniyak din niya ang kanilang pangako sa integridad at tamang paggamit ng pampublikong pondo. RNT