MANILA, Philippines- “Gigil” ang bagong salitang Filipino na napadagdag sa Oxford English Dictionary nitong Marso.
Bahagi ang salita, tinukoy panggalan at pang-uri, ng Philippine English category ng diksyonaryo.
Base sa Oxford English Dictionary, ang “gigil” ay “an intense feeling caused by anger, eagerness, or the pleasure of seeing someone or something cute or adorable, typically physically manifested by the tight clenching of hands, gritting of the teeth, trembling of the body, or the pinching or squeezing of the person or thing causing this emotion.”
Pinakahulugan din ng diksyonaryo ang salita bilang pag-uri sa konteksto ng isang tao, tulad ng kapag siya ay “overwhelmed by an intense feeling caused by anger, eagerness, or the pleasure of seeing someone or something cute or adorable.”
Nagdagdag din ang Oxford ng mga halimbawa ng mga pangungusap gamit ang termino mula 1990 hanggang 2024.
Kabilang din ang iba pang Filipino words sa Oxford English Dictionary tulad ng Pinoy, bongga, CR, lumpia, toyo, trapo, kilig, barkada, bakya, at iba pa. RNT/SA