NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Kritikal sa ospital ang isang ginang matapos pagsasaksakin sa tiyan at mukha ng kanyang selosong mister na American national, iniulat kahapon sa lungsod ng Sipalay.
Nagpapagaling ngayon sa ospital ang 37-anyos na ginang habang nadakip ang suspek at mister nitong si Carl Lassus, 47, American national at kapwa residente ng Barangay 5, ng nasabing lungsod.
Batay sa report ng Sipalay Police Station, naganap ng insidente noong Marso 1, 2026 ng madaling araw sa loob ng tahanan ng mag-asawang Lassus.
Sa imbetigasyon ng pulisya, umuwing lasing suspek at galit na galit saka ito mukuha ng kutsilyo at pinagsasaksak sa tiyan at mukha ang biktima.
Narinig naman ng kapitbahay ang ingay sa loob gn bahay ng mag-asawa dahilan para humingi sila ng tulong sa pulisya.
Sa pagresponde ng mga pulis sa naturang lugar agad na nadakip ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong frustrated homicide and violation of the Anti-Violence Against Women and Their Children Act (RA 9262). /Mary Anne Sapico