Home NATIONWIDE Ginang natisod sa riles nakaladkad ng tren, tepok!

Ginang natisod sa riles nakaladkad ng tren, tepok!

ALBAY – Nakaladkad ng tren hanggang sa mamatay ang isang ginang matapos na matisod sa riles sa Barangay San Nicolas sa Iriga City.

Base sa ulat, nagawa pang maisugod ang 57-anyos na biktima sa ospital pero binawian din ng buhay dahil sa matinding mga sugat na tinamo.

Napag-alaman na patungo sa Polangui, Albay ang tren ng Philippine National Railways (PNR) na nakahagip sa ale.

Muli namang nagpaalala ang awtoridad sa publiko na iwasang tumawid sa riles lalo na kung may paparating na tren.

“Pagka po may papalapit na pong train ay ‘wag na po nating puwersahin pong magbalyo pa or mag-cross po, kasi delikado po yan talaga,” ani John Paul Boaquiña, Assistant Police Community Affairs and Development (PCAD), Police Non Commissioned Officer (PNCO) ng Iriga City Philippine National Police (PNP). Santi Celario