Home OPINION Ginhawang HATID Sa NagkakaSUNDOng Pamilya

Ginhawang HATID Sa NagkakaSUNDOng Pamilya

PATULOY Aang mga programa at proyektong serbisyo sa mamamayan ni Lion Vergel Fidel o ni Indang ABC President Virgilio Fidel na mas kilala sa tawag na Kapitan Vergel at Action Man ng Indang.

Kung inyong matatandaan ay may ilang beses ko nang naitampok sa pitak kong ito sa dyaryo o pahayagan nating ito ang patungkol sa kabutihang-loob ni Kapitan Vergel Fidel.

Sa ibang lugar sa mga nasalanta ng bagyo at baha noon sa Northern Luzon ay hindi siya nagdalawang-isip na nagbigay ng donasyong tulong gaya ng mga bigas, de lata, damit at iba pa.

Sa ibang lugar pa din ay namigay din noong nakaraang mga taon ng mga pamasko sa ilang kapus-palad nating kababayan sa lugar ng Southern Luzon at Kabikolan.

Matatandaang lahat ng Senior Citizens sa 36 barangay ng Indang, Cavite na nagdiriwang ng kaarawan ay kanyang pinadadalhan ng mga cake sa araw-araw na talaga namang nagdudulot ng ngiti at tuwa sa mga nakatatanda.

Sapagkat mayroon ng bagong gusali ng Barangay Hall ang kanyang barangay – ang Calumpang Cerca, ay ginawa niyang kapaki-pakinabang naman na ang dating lumang barangay hall ay ipinaayos niya para gawing Dialysis Center sa Indang na handog niya sa mga pasyenteng dina-dialysis na nakatakdang magbukas anomang araw sa oras na matanggap na nila ang permit mula sa Department of Health.

Ang dialysis center na ito ay walang bayad kung saan mayroong 10 dialysis machine na kayang magsalang ng 30 pasyente sa araw-araw.

Ngayon naman ang pinakabago niyang programa o proyektong kapaki-pakinabang sa mamamayan ng Indang ay ang Indangeños Libreng Airport Service na tinatawag niyang “HATID ay Ginhawa sa NagkakaSUNDOng Pamilya Program” o Hatid Sundo Program na libre sa bawat pamilya sa kani-kanilang mahal sa buhay na nagtatrabaho sa ibayong dagat o ibang bansa.

Talaga namang pambihirang talaga at sadyang kahanga-hanga ang isang Virgilio “Kap Vergel / Action Man” Fidel na walang sawa sa pagseserbisyong-tulong sa mga kababayan sa Indang at maging sa ibang panig ng ating bansa.

Si Kap Vergel ay aktibong kaanib din ng kilalang Lions Club International sa sangay nitong Indang Cavite Highlands 103 Lions Club.