Excited na si Glenda Dela Cruz, chief executive officer ng Filipino-owned Brilliant Skin Essentials, na gamitin ang mga natutunan niya mula sa anim na araw na intensive program sa Harvard Business School.
Natapos kamakailan ng CEO, na kilala rin bilang Miss Glenda, ang Strategic Marketing for Driving Growth program, kung saan hinarap niya ang 19 business cases kasama ang mga entrepreneur at lider mula sa iba’t ibang bansa, industriya, at background.
“Hindi lang ako uuuwi na may certificate, umuwi ako with a deeper perspective on business, leadership, and growth. Finally, no more sleepless nights!” wika niya sa isang Facebook post.
“Tapos na ang cases, tapos na ang puyat. Time to rest, recharge, and get ready to bring home everything I’ve learned at Harvard Business School. Grateful to have learned alongside entrepreneurs and leaders from different countries, industries, and backgrounds,” dagdag niya.
Ayon kay Miss Glenda, sabik siyang i-apply ang kanyang mga natutunan sa Brilliant Skin Essentials, ang Filipino-owned company na kanyang itinayo.
“Excited nako para kay Brilliant Skin Essentials. Sa totoo lang, sa dami kong NOTES, excited na akong i-execute ang mga natutunan ko,” aniya.
Inilarawan niya ang pagkumpleto sa programa bilang isang mahalagang personal na milestone, lalo na’t hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo at matagal nang pangarap na makapag-aral sa Harvard Business School.
“Harvard Business School, you’ve been a dream come true. And I hope, this will serve as an inspiration sa mga katulad ko na hindi nakatapos ng pag-aaral. Na may pag-asa at pwede pang matuto through this kind of program,” wika niya.
Sa programa, hinarap ni Miss Glenda ang mga real-world business cases na tumalakay sa strategic marketing, customer behavior, growth, pricing, competition, leadership, decision-making, at artificial intelligence.
“What I loved most was that we weren’t just listening to lectures. We were given real business situations and asked to think, analyze, challenge assumptions, and make decisions,” aniya.
Mas pinagtibay rin ng karanasan ang paniniwala ni Miss Glenda sa kahalagahan ng patuloy na pag-aaral, lalo na habang mabilis na binabago ng AI ang paraan ng pagpapatakbo ng mga negosyo.
“And with AI evolving so quickly, one thing became even clearer to me: business owners can’t afford to stop learning. AI is changing how we create, market, understand customers, make decisions, and scale businesses. But technology is only one part of the equation. How we think, how we lead, and how we use these tools will matter just as much,” ani Miss Glenda.
Kilala rin ang Brilliant Skin Essentials Inc. sa pagtataguyod ng inclusivity sa pamamagitan ng pagtanggap ng persons with disabilities (PWDs) bilang bahagi ng workforce nitong mahigit 1,000 empleyado.
Kamakailan ay pinuri ng actress at content creator na si Ivana Alawi ang naturang inisyatiba matapos bumisita sa isa sa mga production facility ng kumpanya, kung saan nakasalamuha niya ang mga manggagawa nito.
“Isa sa mga nakakatuwa dito sa Brilliant Skin—meron silang mga PWD. Hinahayaan talaga nila magtrabaho. Talagang part sila ng Brilliant Skin,” ani Ivana, at binanggit na kasalukuyang may 11 PWDs na nagtatrabaho sa kumpanya at itinuturing silang mahalagang bahagi ng operasyon nito.
“Mas gusto kong suportahan yung mga business talaga na lahat welcome. Eleven ang PWD nila dito sa Brilliant Skin,” diin niya.
Kinilala rin ang Brilliant Skin Essentials Inc. bilang 2025 Top Employer of the Year ng Municipality of Morong, Rizal.
Kinilala rin ang kumpanya bilang isa sa mga nangungunang business taxpayers sa munisipalidad, kung saan napabilang ito sa Top 3 Outstanding Business Taxpayers of the Year at Top 4 Highest Real Property Taxpayers of the Year. RNT